Sugod Mga Kapatid!

March 10, 2014

KKK. The hidden food revolution in SM Megamall.

Hidden

Oo. Nagtatago ang KKK sa Lower Ground, Building B ng SM Megamall. Kanina, mula sa pagkalungkot ko dahil madaming tao sa Ice Skating Rink ng SM Megamall ay nagpasya na lamang kaming kumain ng aking mga pinsan. Maraming tao sa gusto kong subukan na burger, 8 cuts kaya nagpunta na desisyon na pumunta na lamang sa isang pancake restaurant sa lower ground ngunit bago pa makapunta dun may pumkaw ng kainan sa amin. Dahil sa tugtog na Up Dharma Down at sa cool na setting ng kainan na ito, ang KKK Pinoy Food Revolution. Sino mag-aakalang may ganitong restaurant dito? Sa tinagal-tagal ko ng naglilibot sa SM Megamall ay ngayon ko lang ito nakita dito.

Kainan sa Kalye Kanluran

Totoong Jeep sa loob ng kainan?
KKK ay unang nagbukas sa West Avenue, which literally translates into Filipino as Kalye Kanluran noong taong 2002. At mula noon ay nagbukas na sila ng iba pang branches sa iba't-ibang SM sa Maynila. Nakilala ang kainang ito sa kanyang glass and nipa hut texture ng interior design. In SM Megamall branch, they have a Jeepney inspired counter. Makikita dito kung iba't-iabg branches nila na parang tipikal na pinoy jeep kung saan nakalagay ang ruta.

Makikita mo din ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa kanilang mga ilaw na kung saan ni-recycle ang lumang bote ng alak. Nakapagdagdag ito ng pagka-pinoy at natural lamang ang dating.


I like the fixtures on tables. Table napkin dispenser that is made of ceramic and printed with Jose Rizal and Andres Bonifacio in a jeep.

And our kababayan figurines that holds promotional ads of their food and the quick view of their specialties in the back.



Ang Mga Pinaglalaban

KKK menu includes a wide selection of Filipino cuisine. Appetizers, Main Course, Salads and Desserts have pinoy takes in their list. Sa salad, pinoy na pinoy ang dating! Nag-order ako ng salad at ito ang Ensaladang Krispy Dilis at Papaya. Ito ay halo ng malulutong na dilis, hilaw na papaya at sibuyas ng tagalog na hinalo sa Sitaw Dressing.

Ensaladang Krispy Dilis at Papaya
Panalo sa panlasa! The sauce compliments the papaya and the crispy dilis gives texture. Nakasarap din sa bawat kagat ang manamis-namis na sibuyas. Perfect ito sa mga nagda-diet!
Not that much fat (may fat ba ang dilis?), fibers from papaya and tomatoes. At, sariwa ang mga sangkap.

Busog ako sa oras na yun kaya't nagpansit lamang ako. Pinili ko ang kanilang Pansit Lucban at hindi naman ako nagsisi.

Actually, first time ko kumain ng Pansit Lucban. Natutuwa ako dahil una ko itong natikman sa KKK. Sa una ay inakala ko na maalat siya dahil sa kulay toyo ngunit, walang matapang na alat ang aking nalasap. Masarap ang noodles na ginamit. Hindi ko siya maihahambing pa sa iba pang Pansit Lucban pero alam kong masarap ang Pansit Lucban ng KKK. Goof for two ang servings ng KKK Pansit Lucban sa halagan 140 Pesos lamang.
Pansit Lucban
Tikman nyo din ang kanilang version ng Chapche, ang Pansit Koreno. Thick clear noodles with bits of leimpo and served with scrambled egg. Sulit ang 140 Pesos para sa solong serving nito. Malasa ang sauce at nakadagdag sa sarap ang itlog. Chapche with a Filipino touch!

Pansit Koreano
Tunog OPM

Hindi lang masarap ang kanilang pagkain kundi masarap din sa tenga ang tugtugin. Habang ikaw ay kumakain maririnig mo ang mga tugtugin ng Up Dharma Down, Eraserheads, Parakyo ni Edgar at iba pang OPM!


everythingLokal Says!

1.) People are very warm and accommodating.

2.) While picking your order, they will serve you with their deep fried Chickcharon served with super tasty vinegar.

3.) No service charge in total bill. You will pay what you just eat.

If you want to experience total Pinoy food satisfaction, go here in KKK Pinoy Food Revolution. The hospitable people will greet you happily as you have your food. You will feel at home and enjoy the food with your friends or family. The place alone is a true definition of a Pinoy- creative, warm and friendly. Food are fantastic! Everything just compliments to a whole being of KKK. There is a definitely Pinoy Food Revolution taking over this place and I want you to experience and be part of it! 

Like them on Facebook: KKK History
Visit their website: kkkpinoyfood.com



You Might Also Like

0 comments