The Little But Big Bite- Benito's Kitchen

July 26, 2014

Bagong lipat ako ng work, well mga ilang buwan na din ang nakakalipas. Mula Fort BGC, ang binabiyahe kong mula sa Pasig ay sa QC na ngayon. Oo, Quezon City. At to be exact, sa Kamuning. Ganung kalayo, at sa akin bilang galing Pasig, kapag lumagpas na ng Cubao ay malayo na.

Sa tapat ng aking simpleng opisina ay magtatapuan ang isang simpleng kainan, ang Benito's Kitchen. Isang maliit na kainan na makikita sa Kamuning Road, Quezon City (bago mag-intersection ng Gener). Ang nakakatuw dito ay kung gaano kasarap ang kanilang pagkain at mas nakakatuwa pa dito ay mura lamang ang mga ito.

Benito's Kitchen Logo
Benito's Kitchen Logo
True to it's logo, Benito's Kitchen really offers mixture of Mexican and Italian goodness. Kung naghahanap kayo ng "para maiba naman" upang alternatibo sa tipikal na kainan na fastfood, ang Benito's Kitchen ang hinahanap ninyo.

Hindi mo aasahan na masarap ang pagkain dito dahil simple lang naman ang itsura niya. Sa isang kanto lamang ito at katabi pa ng isang talyer.

Masarap pagsaluhan ang kanilang pizza at pasta! Meron silang madaming klase ng pizza: All Cheese, Hawaiin, Beef and Mushroom, Ala Coron, Nachos Surprise, Everything Veggies, Benito's All In at ang paborito ko, Bacon and Ham. Maipagmamalaki ang kanilang pizza- brickoven baked kayat malinamnam ang kanyang pagka-thin crust. The crust is freshly hand made craft to perfection. Ang pizza nila ay 239.00 Pesos lamang ang pinakamahal at maari mo ding i-take out.

Sa kanilang pasta naman ay maari ninyong pagpilian ang Carbonara, Meat Sauce at Pesto. Recommended and Meat Sauce dahil umaapaw sa yummy sauce. Maari ko ding i-recommend ang Pesto. Meron siyang nutty texture na talagang nagco-compliment sa panlasa.

Dahil mexitalian, hindi mawawala ang Nachos, Quesadilla, Taco (soft) at Burittos. Tikman nyo rin ang kanilang Buffalo Wings. Yum yum!

Benito's Kitchen

My favorite part is their Single Plate Combo. For only 99 Pesos, you can almost create your plate. Served with a glass of Iced Tea, you mix either:
 Pasta + Chicken + Pizza,
 Pasta + Chicke + Quesa,
 Pizza + Nachos + Quesa, 
 Pasta + Nachos + Pizza or
 Pasta + Chimmy + Quesa.
Options for Pasta: All Meat, Carbonara and Pesto.
Options for Pizza: Hawaiian, All Cheese and Bacon and Ham.

Single Plate Combo for Only 99 Pesos. For this plate: Nachos, Pesto and Bacon & Ham Pizza.
At dahil tayo ay Filipino at sobrang hilig natin sa kanin, meron din silang rice meals- Letchon Kawali, Pork, Chicken, Bangus, Longganisa at Tapa. All served with egg. Perfect for lunch!

Nung binista ko ang kanilang Facebook Page, nakita ko na dati pala silang nasa White Plains at mas malaki ang pwesto nila noon kumpara sa anong meron ngayon sa Kamuning.

Talaga namang little ang restaurant na ito pero big bite naman ang magagawa mo. Sulit at recommended sa lahat!


Support our lokal food!

You may like them on FB: Benito's Kitchen.


You Might Also Like

0 comments