Songs For 5 Types of Broken Heart
February 02, 2014Panahon na naman ng pag-ibig. Labasan na naman ng mga discount coupons ng mga motel, roses na may maliit na teddy bear, heart decorations sa mall at mga chocolate na hindi mo kadalasang nakikita. This is the season where you can see lovers do what you hate the most- being sweet. Sa kadahilanang "Single" ka, may pagka-bitter ka sa panahon ngayon at para sayo, you just want to flip your calendar to March, skipping February.
Whatever the reason you may have why you are single, merong kanta sa swak sa katayuan mo ngayon. Pero, syempre, depende yun kung anong uri ng pagka-single mo, at depende yun sa dahilan ng pagiging single mo.
Pilitin ng mag-isa sa isang sulok, kuhain na ang headset, i-open na ang screen caps ng mga messages niya sa iyo before at press play! Here are the songs for five types of broken heart.
Friendzone- Balisong by Rivermaya
Wala ng mas sasakit pa sa pag-ibig na sa sobrang halaga ay hanggang pangkaibigan lang. Hindi mo naman ginusto pero stuck ka na lang sa pagiging doon sa zone of friendship. Gigising ka na lang biglaan na gusto mo na lang kumawala. Lahat ng happy moments nyo, sa iyo the best, sa kanya just the ordinary friendship fun.
Unfaithful- Di Kasi by Moonstar88
Pangakong napako ang sabi mong siya lang. Kaya ang ending, solo flight ka sa movie dates o dine-out. You try to mend everything but its just too late. You broke his or her heart pero alam mong nabasag mo din yung sayo. Wala ka namang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Masarap ang bawal? E di enjoy being single. I'm sure, ayaw mong mag-isa. Lalo na ngayon.
Victim- Evidence by Urbandub
Kung hindi naman nanloko, isa lang yan- ikaw yung naloko. This is completely the opposite of Unfaithful pero hindi equal ang pain kasi kapag ganito, you have been trust worthy to keep your relationship in its best state pero hindi naging ganun yung partner mo. Kaya super heartborken ka kung ito ka. Iisipin mo na time can heal pero you just can't seem to move on.
The Left Out- Nung Iniwan Mo Ako by Sino Sikat
Meron talagang nangiiwan na tao. Karamihan sa kanila yung mga taong naging importante pa sa buhay mo. Eto yung mga taong naiwan, for good man o hindi, maghihintay at maghihintay ka. Hindi man niya alam na mahal mo siya, o alam niyang mahal mo siya, o mahal ka niya pero umalis siya- hahanapin mo pa din siya. Ang alam mo lang, mahal mo siya at wala na siya.
The Lover- Broken Sonnet by Hale
Hindi lahat ng single ay in relationship, yung iba nasa relasyon nga pero ramdam nilang wala. Mahal mo siya pero hindi lang talaga siya para sa iyo. Handa mong gawin lahat sa kanya ngunit handa ka din niyang iwan kahit anong oras. No matter what you do, you will still see tears in her/his eyes and it just brakes your heart.
0 comments